Monday, November 7, 2011

KOTONG

Dati hindi ako naniniwala sa salitang ito. Dahil anak ng isang sundalo, lumaki ako sa idealismo na ang lahat ng naglilingkod sa bayan, sundalo man o pulis ay may iisang layunin… ang maglingkod sa bayan, gaya ng pagkakakilala ko sa tatay ko…
Pero noong isang araw lang nagbago ang pananaw ko sa lahat ng ito.
Namomotor kami ng partner ko papasok sa aming kani-kaniyang trabaho, nasa iisang bayan lang kasi, kaya umaangkas ako sa motor niya papasok. sa loob ng ilang taon ganito ang routine namin araw araw. Pero isang experience ang naganap sa amin nung isang araw lang.
On my way papasok, nasita kami ng mga traffic enforcer. Aminado kami marami kaming violations… walang helmet, walang rehistro, driving without proper gears. Actually I was expecting a bundle of traffic violation tickets, but on the contrary hindi….
Hinahanapan kami ng Cash!!!  Unfortunately wala kaming dala kundi 40 pesos lang… At kinuha pa… ang tanong ko lang… ganito na ba sa Pilipinas? sa maliit na halaga nabibili ang batas?
Lahat ng pagtatangi ko sa sandatahang lakas at mga pulis ng Pilipinas nawala lahat.


No comments :

Post a Comment