Monday, December 5, 2011

Ang Ulan.

May kung anong bigat sa puso ang aking nararamdaman
Sa tuwing pagmamasdan ko ang pagbuhos ng ulan
Bumabalot sakin ang napakatinding kalungkutan
Sa bawat ingay ng patak nito sa bubungan

Maiitim na ulap, malakas na hangin
Yan ang sumasakop sa mundo natin
Animo’y imortal at walang katapusan
Patuloy lang ito sa pagbuhos, patuloy sa walang hanggan

At sa aking matagal na pagmamasid
Madaming bagay ang sumagi sa aking isip
“Ano ba ang silbi ng ulan?”
Bumuhos muli ang malakas na ulan, at nasagot ko ang sariling katanungan

Sa ulan ko natanto, na ang langit rin pala ay marunong mapagod
Nakakaramdam din pala ng pighati at pagkabigo
Sa ulan ko rin natanto, na kapag mabigat na at napuno
Kailangan ng ilabas para mabawasan at gumaan ang nasa loob

Minsan dumarating talaga ang ulan ng hindi mo inaasahan
Hindi naman ito maiiwasan
Minsan sasakupin ang paligid ng matinding lamig at kadiliman
Hindi naman ito maaaring takasan

Sana sumikat na muli ang araw sa mundo
Para maramdaman ko muli ang init nito
Sana mapuno muli ng kulay ang mundo
Para umaliwalas at masilayan muli ang pag-ngiti nito

No comments :

Post a Comment